-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang pagmonitor ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan ngayong araw matapos ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas 2026.
Naitala ang 44,720 na outbound passengers, habang 38,738 naman na inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa bawat pantalan, nagtalaga ang Philippine Coast Guard ng 6,145 frontline personnel mula sa 17 PCG District, upang makapag-inspeksyon sa 402 na mga vessels at 688 na mga motorbanca.
Itinaas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa heightened alert ang lahat ng distrito, istasyon, at sub-stasyon nito mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2026, bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga pasaherong bibiyahe sa panahon ng Undas 2026.















