Ipinagmalaki ng Department of the Local and Interior Government (DILG) ang dami ng mga tawag na kanilang natanggap sa Unified 911 emergency hotline.
Ayon sa DILG na mula ng mailunsad nila ito noong 10 buwan ang nakakaraan ay nakatanggap sila ng 96,447 na tawag.
Mayroong efficiency rate ito ng 96.64 percent mula Enero 1 hanggang Oktubre 30.
Kinabibilangan ito ng paghingi ng tulong sa kapulisan, fire emergencies, medical concens, search and rescue operations at mga kaso na ang mga biktima ay babae at kabataan.
Ang nasabing Unified 911 ay inilunsad noong Setyembre 2025 bilang unang single emergency hotline para sa police, fire, medical at rescue assistance.
Dagdag pa ng DILG na aabot lamang sa hanggang limang minuto ang pagresponde ng mga otoridad.













