-- Advertisements --
Ibinahagi ng food vlogger na si Ninong Ry ang emosyonal na kuwento ng kanilang pamilya bago maisilang ang anak nilang si Rafa, na nagdiwang ng unang buwan ng kapanganakan.
Sa kanyang social media post, ikinuwento ni Ninong Ry na dalawang beses silang nakaranas ng miscarriage ng kanyang partner na si Belle bago muling magdalang-tao. Kalaunan, natuklasan nilang may APAS si Belle kaya kinailangan nitong sumailalim sa gamutan at araw-araw na injection upang mapanatili ang pagbubuntis.
Sa kabila ng mga pagsubok, ligtas at malusog na naisilang si Rafa, na tinawag nilang kanilang rainbow baby.









