-- Advertisements --

Arestado ang 11 wanted persons, kabilang ang ilang regional most wanted individuals, sa siyam na magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Nobyembre 5, 2026.

Isinagawa ang mga operasyon sa Quezon, Cavite, Ilocos Norte, Sulu, Iloilo, Cebu at Sarangani dahil sa mga kasong statutory rape, murder, attempted murder, sexual assault, acts of lasciviousness at paglabag sa mga batas sa baril at anti-carnapping.

Kabilang sa mga naaresto ang mga regional most wanted persons na may ranggong ika-4 hanggang ika-10 sa kani-kanilang rehiyon. Ilan sa kanila ay nahaharap sa kasong walang inirerekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng kani-kanilang police units ang mga naaresto para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ng batas.