Kasama si Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Allen Rae Co sa mga opisyal ng pambansang pulisya na nakatanggap ng mas mataas na ranggo.
Mula sa pagiging Police Colonel, itinaas na si Co sa ranggong Police Brigadier General matapos aprubahan ang kaniyang promosyon, batay sa memorandum na may petsang Nobyembre 4.
Kasabay niya ang 16 na iba pang opisyal na na-promote sa kani-kanilang ranggo.
Sa hanay ng mga na-promote, 11 Police Lieutenant Colonel ang umakyat sa ranggong Police Colonel.
Matatandaang itinalaga si Co bilang acting chief ng PNP Public Information Office noong Mayo 2026, kapalit ni Police Brigadier General Randulf Tuaño na inilipat sa Police Regional Office 6.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga promotion order na ipinadala sa Department of the Interior and Local Government sa pamamagitan ng Office of the Acting Executive Secretary.














