Pinaiigting ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng Task Force on Energy Resiliency (TFER), ang paghahanda upang masigurong tuloy-tuloy ang kuryente sa mga ospital, health center, pasilidad ng tubig, at food hub.
Bilang pakikipag-ugnayan sa NDRRMC, mahigpit na ipinapatupad ng DOE ang pagkakaroon ng backup power systems sa mga kritikal na pasilidad na kayang tumagal nang hindi bababa sa 72 oras nang walang grid electricity.
Pinabibilis din ng ahensya ang pagtatapos ng mga mahahalagang power project sa ilalim ng Task Force 200 upang masigurong sapat ang suplay ng kuryente sa gitna ng banta ng tagtuyot.
Bukod dito, patuloy na isinusulong ng DOE ang Oras Natin sa Efficiency (O.N.E.) campaign upang hikayatin ang publiko sa mas matipid at responsableng pagkonsumo ng kuryente.
Ang mga hakbang na ito ay naglalayong maiwasan ang malawakang power disruption, maprotektahan ang mga mahahalagang serbisyo, at matulungan ang mga komunidad na maging matatag ngayong panahon ng El Niño.














