-- Advertisements --

Sinimulan nitong Biyernes sa Senado ng Paraguay ang impeachment trial laban kay Pangulong Santiago Peña, ilang araw matapos ang pagbagsak ng Ueno Bank na umano’y may kaugnayan sa kanya.

Naganap ang pagdinig isang araw matapos ihain ni Peña ang kanyang pagbibitiw sa puwesto. Gayunman, ipinagpaliban ng Kongreso ang kanyang resignation upang maipagpatuloy ang impeachment proceedings.

Tinatayang tatlong milyong depositor ang naapektuhan matapos kontrolin ng Central Bank ang Ueno Bank at i-freeze ang mga account nito.

Nahaharap si Pena sa mga alegasyon ng conflict of interest dahil dati siyang may-ari ng shares sa kumpanyang may kontrol sa naturang bangko. Itinanggi naman niya ang mga paratang.

Samantala, libo-libong mamamayan ang nagprotesta at nanawagan na panagutin ang pangulo sa pagbagsak ng bangko.

Hiniling ni Peña ang 72-oras o 3 araw na palugit upang maihanda ang kanyang depensa. Aniya, natanggap lamang niya ang halos 300 pahina ng mga paratang na dokumento sakanya, at inaasahang makasasagot ang Pangulo sa loob ng wala pang 12 oras.

Giit niya, hindi ito makatarungang proseso at nangako siyang ilalahad ang kanyang panig sa publiko sa tulong ng kanyang mga abogado, gayunman, tinanggihan ng Senado ang kanyang kahilingan.