-- Advertisements --
Magbibigay ng 3 araw na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ayon sa anunsyo ng LRT-1, maaaring makasakay nang libre ang mga pasahero sa dalawang takdang oras: mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa mga nasabing araw.














