-- Advertisements --

Nagbitiw sa puwesto si Paraguayan President Santiago Peña nitong Huwebes kasunod ng krisis sa Ueno Bank na nag-iwan sa milyun-milyong kliyente na hindi ma-access ang kanilang pera.

Nagsimula na rin ang impeachment proceedings laban sa pangulo matapos magsampa ng mga reklamo ang 35 mambabatas mula sa oposisyon at ilang miyembro ng kaniyang sariling partido. Kabilang sa mga alegasyon ang seryosong pagpapabaya sa tungkulin.

Nasa Kongreso ngayon ang desisyon kung tatanggapin o tatanggihan ang pagbibitiw ni Peña, na nanungkulan mula Agosto 2023 para sa limang taong termino.

Inaasahang hahalili sa kaniya si Vice President Pedro Alliana bilang bagong pinuno ng bansa.

Matatandaanan na bumisita sa Pilipinas si Peña noong May 11-12 2026, kung saan tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalawak ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at seguridad sa pagkain.