-- Advertisements --

Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa harap ng mga local government unit (LGU) na dumalo sa ceremonial turn over ng disaster  rehabilitation and reconstruction assistance program funds sa Palasyo ng Malakanyang kaninang hapon.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na  sinumang  magpapakasasa sa pondong ito ay mananagot sa batas.

Ayon sa pangulo, mayroong P8.5 bilyong pisong pondong inilaan ang pamahalaan para sa mga LGU na naapektuhan ng kalamidad at sakuna mula 2024 hanggang 2026, depende sa kanilang pangangailangan. 

Pasaring ng Pangulo sa mga ito, pera ito ng taongbayan, para sa mga nasalanta ng kalamidad, at hindi pondo para pagkakitaan, para sa gustong magpayaman sa gitna ng nararanasang hirap ng mga taong biktima ng trahedya.. 

Giit ng pangulo, bawal ito sa ghost projects, bawal ang komisyon at sub standard na mga materyales sa mga proyekto.

kasabay nito ang paghikayat sa mga LGU na  magsilbi sa kanilang mga kababayan nang buong katapatan at ibigay ang serbisyong nararapat para sa kanila.