-- Advertisements --

Inanunsyo ng Portuguese football superstar na si Cristiano Ronaldo ang kaniyang pagreretiro sa international football matapos ang 23 taong paglalaro sa pambansang koponan ng Portugal.

Sa edad na 41, nagtala si Ronaldo ng record na 146 na goal sa 234 na appearances para sa kaniyang bansa mula nang magsimula noong 2003.

Kabilang sa pinakamalalaking tagumpay ni Ronaldo kasama ang Portugal ang pagkapanalo sa UEFA Euro 2016 at dalawang titulo sa UEFA Nations League noong 2019 at 2025.

Bilang pagkilala sa kaniyang makasaysayang karera, nagpaabot din ng pasasalamat ang Portuguese Football Federation sa pamamagitan ng Facebook post na may mensaheng “A story that will last forever. Thank you for everything captain,” saad ng kupunan