-- Advertisements --

Lusot na sa Round of 16 ang Portugal matapos nitong itumba ang Croatia sa isang thriller match ngayong Hulyo 3, 2026.

Tinapos ng mga Portuguese ang laban sa score na 2-1, hawak ang 92% pass accuracy at dominanteng 62% possession.

Unang nakapuntos ang Croatia sa pamamagitan ni Ivan Perišić sa ika-53 minuto, ngunit agad nakabawi si Cristiano Ronaldo sa ika-68 minuto sa pamamagitan ng penalty kick upang itabla ang laro, 1-1. Ang naturang goal ang nagpatala sa kanya bilang pinakamatandang manlalaro na nakapuntos sa World Cup knockout stages.

Sa ika-94 minuto, sinalubong ni Gonçalo Ramos ang cross ni Rafael Leão gamit ang isang header upang selyuhan ang panalo ng Portugal, 2-1.

Tuloy ang pag-usad ng football legend na si Ronaldo, habang ito na rin ang huling yugto ng World Cup career ng Croatian star na si Luka Modrić. Susunod na makakaharap ng Portugal ang Spain sa Round of 16 ngayong Hulyo 6.