-- Advertisements --

Nabuhayan ng pag-asa ang Team Croatia matapos nitong ipanalo ang laban kontra sa koponan ng Panama ngayong araw, Hunyo 24.

Bago nito, parehong nabigo ang dalawang koponan sa kanilang mga naunang laban sa group stage.

Sa pagharap ng dalawang koponan sa Toronto Stadium, naging pisikalan ang kanilang laban na nagresulta sa paglabas ng referee ng yellow card para sa magkabilang team.

Nagpatuloy ang mahigpit na laban hanggang sa matapos ang first half na parehong scoreless, 0-0.

Pagpasok ng halftime, nagsagawa ng substitution ang Croatia at ipinasok si Ante Budimir bilang striker.

Pagsapit ng ika-54 na minuto, nagawa ni Budimir na saluhin ang isang magandang low cross mula sa teammate na si Josip Stanišić, mula sa likod ng depensa ng Panama.

Agad niya itong sinipa nang malakas at tuluyang pumasok sa goal ng kalaban upang iposte ang kalamangan sa 1-0.

Apat na minuto pa lamang si Budimir sa loob ng pitch matapos siyang ipasok bilang substitute nang magawa niya ang mahalagang goal.

Hindi na nakapagdagdag ng goal ang alinmang koponan at natapos ang laban sa 1-0. Kailangan namang maipanalo ng Croatia ang susunod nitong laban o makapagtala ng mas maraming goals upang makapasok sa susunod na round.