-- Advertisements --
Nagdulot ng pagkaantala at kanselasyon ng mga biyahe ang sunod-sunod na bomb threats sa ilang paliparan sa Europa, na nakaapekto sa hindi bababa sa 18 flights ngayong linggo.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga flight sa Rome, Prague at Poland. Ilang sasakyang panghimpapawid ang ineskortan ng mga eroplanong pandigma habang isinailalim sa inspeksiyon ang mga ito.
Sa kabila nito, walang natagpuang pampasabog o kahina-hinalang kagamitan sa mga sinuring eroplano.
Nitong Martes, hindi bababa sa pitong flight din ang nakatanggap ng kahalintulad na banta, ngunit wala ring natagpuang pampasabog.
















