-- Advertisements --
‘Down’ o temporarily unavailable ang serbisyo ng Google Cloud sa kanlurang bahagi ng Europe dahil sa isang power outage sa London, United Kingdom, ayon sa multi-million dollar tech company na Google.
Sa inilabas nitong abiso nitong Martes, naapektuhan ng nasabing outage ang isang data center ng Google Cloud ang mga serbisyo nito kabilang ang ilang online bank services sa UK.
Nangako naman ang kumpanya na sisikapin nitong ibalik ang kanilang serbisyo sa loob ng ilang oras.
















