-- Advertisements --

Pormal nang ineanunsyo ni United Kingdom Foreign Minister Ed Miliband ang pagpapataw ng mga parusa o sanctions laban sa mga illegal Israeli settlements sa sinasakop na West Bank.

Sa kaniyang talumpati sa parlyamento nitong Martes, binigyang-diin ni Miliband na magpapatupad ang Britain ng isang import ban o pagbabawal sa pagpasok ng mga produktong nagmula sa mga nasabing Israeli settlements.

Bukod dito, maglalatag din ang gobyerno ng isang komprehensibong rehimen ng mga sanction na nagbabawal sa pagbibigay ng tulong pinansyal, serbisyo sa konstruksyon, at iba pang suportang komersyal para sa mga naturang komunidad.

Ang hakbang na ito ng UK ay ibinatay sa 2024 Advisory Opinion ng International Court of Justice (ICJ) na nagdedeklarang labag sa internasyonal na batas ang patuloy na presensya at pagpapalawak ng Israel sa West Bank.

Ayon kay Miliband, layunin ng bagong polisiya ng London na protektahan ang posibilidad ng two-state solution sa gitna ng tumitinding karahasan ng mga ekstremistang settler laban sa mga Palestinian.

Agad namang umani ng matinding pagpuna mula sa pamahalaan ng Israel ang naturang desisyon, habang nagpahayag din ng pagkaalarma ang ilang alyado nito sa Kanluran hinggil sa posibleng epekto nito sa katatagan at diplomatikong relasyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.