-- Advertisements --

Inatake ng mga nakamaskarang Israeli settlers ang ilang mga Palestinians, kabilang ang isang American journalist sa isang area malapit sa West Bank sa Palestine nitong Biyernes.

Batay sa mga ulat, 80 militant Israeli settlers, kung saan ang ila’y may tangan pang gas canisters, ang namato at nanakit sa isa sanang taunang tradisyunal na pagtitipon ng mga Palestino para mamitas at mag-ani ng mga prutas.

Ang ilan, ayon pa sa ilang detalye, gumamit pa ng tirador.

12 ang naitalang sugatan, kabilang ang isang Washington Post American photojournalist na si Heidi Levine.

Ayon kay Levine, inatake umano siya, pinatumba, at pinagtatadyakan, ngunit pasasalamat ito sa suot nyang flak jacket at helmet dahil aniya ito ang nagligtas sa kaniya.

Nailigtas naman sa pananakit si Levine nang tulungan ito ng mga kasama niyang Palestinian at medics kung saan agad siyang isinugod sa ospital sa Ramallah.

Nagtamo ang sugatang mamamahayag ng bali sa tadyang, at sari-saring sugat sa kaniyang katawan. Nangangailangan din ng operasyon si Levine sa isa niyang kamay matapos mapilas ang daliri nito kung saan lantad ang kaniyang buto.

Samantala, nanawagan naman ng imbestigasyon si Washington Post executive editor Matt Muray. Tumugon naman ang US State Department at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang dalawang panig hinggil sa nasabing pag-atake.