-- Advertisements --

Umangat na ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.

Base sa inilabas na ranking ay hawak na nito ang bagong career-high ng World number 20.

Ang nasabing pag-angat nito ng ranking ay matapos ang pagkampeon niya sa Mubadala DC Open.

Tinalo kasi ni Eala ang American World Number 3 na si Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open sa score na 4-6, 6-4 at 6-0.

Sinabi ni Eala na hindi siya makapaniwala na magkampeon ito sa WTA 500 title.

Ang 21-anyos na si Eala ay mayroonng first-round bye at seeded 25th sa WTA 1000 hardcourt event.