-- Advertisements --

Naghahanda ang Department of Migrant Workers o DMW ng reintegration assistance para kay Mary Jane Veloso matapos siyang pagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Ferdinand Jarcos Jr.

Inatasan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang isang team na magtungo sa Nueva Ecija upang makipag-ugnayan sa pamilya ni veloso at mga lokal na opisyal para sa angkop na assistance package.

Kasama sa ihahandang suporta ng DMW at OWWA ang psychosocial counseling, livelihood starter kits, puhunan para sa negosyo at skills training.

Maaari ring iugnay ang mga plano ni Veloso sa negosyo sa mga kooperatiba at economic programs sa Nueva Ecija.

Nakauwi na si Veloso at muling nakasama ang kanyang pamilya matapos siyang makalaya mula sa Correctional Institution for women sa Mandaluyong City madaling-araw nitong Sabado.

Naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2010 matapos umanong mabiktima ng human trafficking at madala ang isang maleta na may 2.6 kilo ng heroin.

Ayon sa DMW, mahalaga sa kanyang kaso ang prinsipyo ng non-punishment para sa mga trafficking victim na naloko o napagsamantalahan sa paggawa ng mga krimeng resulta ng trafficking.