Pasok na sa semifinals ng women’s singles tennis si Pinay tennis star at World No. 18 Alex Eala matapos talunin ang pambato ng Chinese Taipei na si Joanna Garland sa sore 7-5, 6-0, sa 2026 Asian Games.
Naging dikit ang laban sa unang set matapos magpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro. Nakalamang pa si Garland sa 5-4 at nagkaroon ng pagkakataong makuha ang opening set.
Hindi naman nagpatinag si Eala at agad na bumawi. Pinilit ni Filipina tennis star na maitabla ang laban bago tuluyang makuha ang unang set, 7-5.
Pagdating sa second set, tuluyan nang nakontrol ni Eala ang laro. Hawak niya ang momentum ng laro, at nahirapan na maka puntos si Garland, sa mga breakpoints
Hindi na nakakuha ng laro si Garland sa second set matapos dominahin ni Eala ang laban, naselyuhan ni Eala ang set sa score na 6-0 upang makumpleto ang kanyang straight-sets victory.
















