-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Hong Kong Open si Pinay tennis star Alex Eala matapos talunin ang Croatian player na si Antonia Ruzic sa straight sets, 7-6, 7-5, sa kanilang quarterfinal match.

Naging dikdikan ang unang set matapos magpalitan ng magagandang rallies at puntos ang dalawang manlalaro. Umabot sa tiebreak ang laban kung saan unang nakalamang si Eala, 5-0. Bagama’t nakahabol si Ruzic at umabot sa 7-6 ang iskor, nagawang tapusin ni Eala ang set sa 8-7.

Nagpatuloy ang matinding bakbakan sa second set, kung saan unang nakalamang si Eala sa 4-2. Pansamantalang nahinto ang laro dahil sa pag-ulan bago ito muling ipinagpatuloy. Nakabawi si Ruzic at nakapagtala pa ng 1 kalamangan sa score na 5-4, unti-unting binawi ni Eala at kalamangan at muling nanaig sa mga huling puntos upang selyuhan ang panalo sa ikalawang set, 7-5.

Bago makapasok sa quarterfinals, unang tinalo ni Eala si Emerson Jones sa Round of 32, sinundan ito ng panalo laban kay Tereza Valentova sa Round of 16, at ang huli ay ang kanyang tagumpay kontra kay Ruzic sa quarterfinals.

Sa panalong ito, magpapatuloy ang kampanya ni semi finals ng Hong Kong Open, at sunod naman niyang makakaharap ang 4th seed player na si Maria Sakkari