-- Advertisements --

Tinapos ng China ang kampanya ng Pilipinas sa women’s double tennis ng 20th Asian Games na ginanap sa Aichi-Nagoya, Japan matapos talunin nina Jiang Xinyu at Yang Zhaoxuan ang Filipina tandem nina , Alex Eala at Shaira Rivera sa straight-set victory na 7-5, 6-2,

Naging dikit ang laban sa unang set, kung saan kapwa nagpalitan ng puntos ang dalawang pares. Gayunman, nakakuha ng momentum ang Chinese duo sa huling bahagi ng set upang makuha ang unang set, 7-5.

Pagpasok ng ikalawang set nagkaroon ng magagandang rally ang laban, ngunit nahawakan ng China ang momentum sa huling bahagi ng laro at tuluyang isinara ang laban, 6-2.

Ito ang ikalawang laban nina Eala at Rivera sa women’s doubles matapos nilang talunin ang Hong Kong pair na sina Lai Ching Laam at Kallista Liu, sa score na 6-1, 6-3, sa opening round.