-- Advertisements --

Nakasamas a listahan ng TIME100 Next list si Pinay tennis star Alex Eala.

Sa taunang inilabas na listahan ng TIME’s ay pinangalanan si Eala bilang “Innovator” kung saan nakasulat sa kaniyang profile si tennis icon Rafael Nadal.

Isinulat kasi ni Nadal na si Eala ang unang tao na kasama niya sa tennis court matapos na ito ay magretiro.

Naniniwala si Nadal na marami pang mararating ang Pinay tennis star.

Isa lamang si Eala sa mga atleta na kasama sa listahan na kinabibilangan nina Texas quarterback Arch Manning at si WNBA Rookie of the Year Olivia Miles ng Minnesota Lynx.