Naghahanda na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibleng paglala ng El Niño na inaasahang maaaring umabot hanggang 2027.
Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagdaragdag ng mga pagkukunan ng tubig, rainwater harvesting systems at small water impounding structures upang makatulong sa suplay ng tubig sa mga komunidad.
Pinalalakas din ng kagawaran ang water conservation, monitoring sa mga watershed at mga hakbang para maiwasan ang forest fires at maprotektahan ang mga sensitibong ecosystem.
Nagsasagawa na rin ng information campaign ang DENR sa mga barangay at community colleges upang maihanda ang mga residente sa epekto ng matinding init at kakulangan sa tubig.
Binabantayan din ng ahensya ang posibilidad ng coral bleaching sa mga coastal area, kabilang ang Aurora, dahil sa mataas na temperatura ng karagatan.
Inirekomenda rin ang pagtatayo ng cooling stations at paggamit ng early warning systems bilang proteksyon sa mga manggagawa laban sa matinding init.
Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel “Mitch” Cuna, mahalagang maagap ang bawat tanggapan sa pagpapatupad ng climate adaptation at risk reduction measures, kasama ang mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.















