Nagtapos ang kampanya ni Alex Eala sa women’s singles ng 2026 Asian Games matapos siyang talunin ng Chinese player na si Wang Xiyu sa tatlong set, 6-3, 3-6, 6-2.
Mabilis na nakakuha ng momentum si Eala sa unang set at umabot sa 5-0 ang kanyang kalamangan. Nakabawi naman si Xiyu para gawing 5-3 ang iskor, ngunit nanatiling matatag ang Pinay at isinara ang unang set, 6-3.
Sa ikalawang set, maagang nahawakan ni Xiyu momentum ng laro matapos umabante sa 5-1. Sinubukan ni Eala na bumawi at napalapit sa 5-3, ngunit tuluyang nakuha ng Chinese player ang set, 6-3.
Sa deciding set, muling nagkaroon ng maagang kalamangan si Xiyu, 4-1. Hindi na nakahanap ng paraan si Eala upang maitabla ang laban habang patuloy na naging agresibo ang kanyang katunggali. Sa huli, isinara ni Xiyu ang deciding set, 6-2, para makuha ang panalo.
Bagama’t hindi nakapasok sa finals hindi uuwi nang walang medalya si Eala matapos masungkit ang bronze medal para sa Pilipinas sa women’s singles tennis.










