-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga maliliit na negosyante na maaari silang humiling ng exemption mula sa taas sahod.

Ayon sa DOLE na nag mga maliliit na retail o service establishment na hindi lalagpas sa 10 empleyado o ang mga apektado ng “natural calamities o mga human-induced disasters” ay maaaring mag-apply ng wage hike exemption.

Mayroon silang 75 araw ang mga employer na mag-apply mula ng maging epektibo ang wage order.

Marapat aniya na ipasa ito sa mga Regional Wage Boards sa kanilang mga mga regional offices ng DOLE.

Habang ang mga registered barangay micro business enterprises o may total na assets na P3 milyon pababa ay hindi sakop ng Minimum Wage Law na nakasaad sa Section 8 ng batas.

Kapag ang isinumiteng exemption ay hindi tinanggap ng DOLE ay marapat na ipatupad na ng employer ang bagong wage order.