-- Advertisements --

Sasamahan ni United States Secretary of State Marco Rubio si President Donald Trump sa pagbisita nila dito sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Kinumpirma ito ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez ang pagbiyahe ni Rubio kasama si Trump patungo sa Pilipinas.

Sa araw ng Martes, Nobyembre 17 ang inaasahang pagdating ng US President sa bansa.

Nitong araw ng Sabado naman ay sunod-sunod na dumating ang iba’t-ibang lider ng bansa para sa pagdalo ng pagpupulong.

Una ng nakapulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sina Canadian Prime Minister Mark Carney at Brazilian President Luiz Inacio da Silva.