-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga private sector employers sa tamang pagpapalabas ng 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.

Ayon sa DOLE na nakasaad sa batas na ang nasabing 13th month pay ay dapat matanggap ng mga empleyado ng bago o sa mismong Disyembre 24, 2026.

Mahigpit din itong babantayan ng regional at provincial offices ng DOLE kung naipapatupad ba ng mga private companies ang pamamahagi ng 13th Month pay.

Nakasaad din sa advisory ng DOLE na ang 13th month pay ay siyang kabuuang basic salary sa isang taon ng isang empleyado at ito ay hinati sa 12.

Kahit na ang isang empleyado ay nag-resign na ay makakatanggap pa rin ito ng 13th month pay.