-- Advertisements --

Inanunsyo ng tech company na Microsoft nitong Sabado ang pagbabalik serbisyo nito sa mga user matapos ang malawakang outage na bumulabog sa operasyon ng ilang pampublikong serbisyo at negosyo sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We have completed our efforts to address the underlying issue of the incident and restored service to the remaining impacted customers and regions,” sulat nito sa isang post.

Kaugnay ito ng naiulat na service disruption sa ilang products ng Microsoft tulad ng Outlook email, MS Teams, at Copilot AI assistant na dulot ng “elevated load” sa imprastraktura nito.

Apektado ng nasabing outage ang mga user mula sa 74 bansa kabilang ang Pilipinas kung saan labis na naantala ang sektor ng empleyado sa IT, BPO, maging corporate employees.

Samantala, nagbabala naman ang kumpanya laban sa “active phising campaign” na anila’y nananamantala sa naturang service disruption kung saan ginagaya umano ng mga pekeng emails ang service notification ng Microsoft.