-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang “full lockdown” sa West Bank.

Ito ay matapos ang naganap na pamamaril sa northern entrance sa Hebron.

Sa nasabing insidente ay mayroong dalawang Palestino ang nasawi at anim na sundalo ng Israel ang sugatan.

Dahil sa pangyayari ay kinansela na rin ni Netanyahu ang kaniyang campaign events sa occupied West Bank na Hebron.