-- Advertisements --

Siyam na araw bago ang gaganaping halalan sa Israel, opisyal na inendorso ni US President Donald Trump si Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pamamagitan ng kaniyang pahayag sa Truth Social.

Inilarawan ng Pangulo ng Estados Unidos si Netanyahu bilang isang malakas na lider at mahalagang katuwang sa pakikipaglaban sa banta ng bansang Iran.

Nagbabala rin si Trump na kapag hindi muling naitalaga si Netanyahu ay mapipilitan ang Amerika na solong harapin at labanan ang militar ng Iran nang walang suporta ng Israel.

Sa kabila ng mga ulat na hindi sumang-ayon ang ilang tagapayo ng pangulo sa pampublikong pag-endorso, nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Netanyahu sa ipinakitang suporta ng pinuno ng Estados Unidos.

Samantala, binigyang-diin naman ng mga oposyon sa Israel na tanging ang mga mamamayan pa rin ng kanilang bansa ang may pinal na karapatang magpasya sa lalabas na resulta ng halalan.