Nagsagawa ng iba’t-ibang sermonya at kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Israel para gunitain ang ikatlong taon ng pag-atake ng Hamas.
Noong Oktubre 7, 2023 kasi ay nilusob ng mga armadong grupong Hamas ang mga komunidad ng Israel sa border nila ng Gaza.
Sa nasabing insidente ay umabot sa mahigit 1,200 na mga katao ang nasawi at mayroong 251 na mga dinukot ng rebeldeng grupo.
Nagtungo rin ang mga kaanak ng mga nasawing biktima sa Re’im Forest ang lugar kung saan ginanap ang Nova festival at dito pinaslang ang 370 katao at 44 ang dinukot.
Nag-alay naman ng bulaklak si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Mount Herzi Cemetery sa Jerusalem.
Tiniyak naman ni Netanyahu na hindi sila titigil sa pag-atake sa Gaza para tuluyang mbuwa na ang Gaza.















