-- Advertisements --

Nakiusap ang Ministry of Social Development ng Gaza sa United Nations na makialam para hindi tamaan ng Israel ang mga lugar kung saan nandoon ang mga sibilyan.

Kasunod ito muling paglunsad ng Israel ng malawakang pag-atake sa Gaza.

Ito na ang unang malawakang military operation sa central Gaza mula ng mapirmahan ang ceasefire noong Oktubre 2025.

Tinawag ng Israel military ang operasyon bilang “concentrated operations” sa tatlong lugar sa central Gaza.

Layon nito aniya ay para tuluyang masawata ang banta ng kanilang puwersa sa lugar.

Binatikos naman ito ng Hamas at tinawag ang operasyon bilang paglabag sa ceasefire agreement.