6 na katao ang nasawi, kabilang ang isang surgeon at isang 13-anyos na batang lalaki, ang nasawi matapos tamaan ng Israeli airstrike ang Nasser Hospital sa Gaza
Ayon sa Gaza Health Ministry, mahigit 40 katao ang nasugatan, kabilang ang dalawang doktor na nasa kritikal na kondisyon.
Tinamaan ng pag-atake ang surgical wing ng ospital, na nagdulot ng matinding pinsala sa mga operating room at iba pang pasilidad medikal.
Ayon naman sa Israeli military, target ng operasyon ang isang Hamas commander at iba pang militanteng grupo. Gayunman, hindi kabilang sa mga nasawi ang naturang commander.
Nagpatuloy ang pangamba sa kaligtasan ng mga pasyente at medical workers, lalo’t isa ang Nasser Hospital sa mga pangunahing ospital na nananatiling operational sa Gaza.












