-- Advertisements --
Nangangailangan ng $71.4-B na pondo para sa muling reconstruction ng Gaza.
Ayon sa Board of Peace na binuo ni US President Donald Trump na minaliit lamang nila ang nasa $6-B na estimate ng United Nations para muling maitayo ang Gaza matapos ang 50-araw na giyera noong 2014.
Sa ginawang pagsasalita nina US envoys Steve Witkoff at Jared Kushner sa United Nations General Assembly, na ang plano ay kinabibilangan ng 66 programa kasama ang humanitarian shelters, diesel generators at pagtatayo ng pagamutan.
Ang nasabing plano aniya ay pangungunahan ng Palestino.
Una ng sinabi ni Trump na mayroon na itong 20-point ceasefire plan subalit hindi pa ito naipapatupad.














