-- Advertisements --

Nagkasa ng impeachment ang isang mambabatas na Republican laban kay United States Defense Secretary Pete Hegseth matapos ang agresibong kampanya ng gyera nito laban sa Iran.

Inilatag ni Kentucky Rep. Thomas Massie nitong Lunes, Nobyembre 9, ang walong articles of impeachment na nag-aakusa kay Hegseth ukol sa pagdedeklara nito ng gyera nang walang awtorisasyon ng Kongreso at pang-aabuso sa kaniyang position bilang Pentagon chief.

Naglalaman ang mga naturang artikulo ng umano’y paglabag ni Hegseth sa 1973 War Powers Resolution, kabilang ang pagdamay nito sa mga sibilyan at operasyon ng militar sa Yemen at Venezuela.

Itinanggi naman ng Petagon ang mga nasabing paratang at binansagan si Massie bilang isang “disgruntled congressman.”

Suportado naman ni US President Donald Trump ang kalihim nito at binigyan-diin ang aniya’y pagtatagumpay ni Hegseth sa gyera nito laban sa Venezuela nitong Enero at ang walong-buwang digmaan laban sa Iran.

Bagama’t may suporta si Hegseth ng presidente, ipinahayag naman ng ilang Republican lawmakers ang posibilidad nitong suportahan ang Democrats, kabilang ang mosyon ni Massie, laban sa kalihim.

Nitong nakaraang linggo, tila kinulayan ng asul ang Kongreso ng US matapos ang midterm sweep ng Democrats sa nagdaang eleksiyon sa dulot ng dismaya ng mga botante nito sa pagtaas ng presyo ng langis kaugnay ng digmaan sa Iran — bagay na nakapagbigay buwelo sa impeachment laban kay Hegseth.

Sisimulan sa darating na Miyerkules ang pagboto ng mga solon sa impeachment resolution laban sa nasabing kalihim.