-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US na magbibigay ito ng pabuya na aabot sa $20 milyon sa anumang impormasyon na makakapaturo sa lugar kung saan ginagawa ng Iran ang kanilang nuclear.

Kasama ring alok ng Rewards for Justice ng US State Department na ililipat ng tirahan ang mga tao na magtuturo.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag noon ni US President Donald Trump na tuluyan na nilang nasira ang nuclear facility ng Iran.

Dahil dito ay bumuo ang US Central Command ng Task Force Iron Gate na mag-ooperate sa Tampa, Florida.

Naniniwala din ang US Central Command na ang ginawa nilang naval blockade ay siyang nakaharang sa tangka ng Iran na makapuslit ng mga sangkap sa paggawa ng nuclear weapons.

Paliwanag ng US Central Command na kaya sila nag-alok ng pabuya ay dahil sa hindi sumunod sa alituntunin na ipinapatupad ng International Atomic Energy Agency (IAEA).