-- Advertisements --

Itinanggi ng White House ang usapin na kanilang sisibakin ang ilang mataas na opisyal ng gabinete ni US President Donald Trump.

Lumabas kasi ang usapin na maaaring matanggal na sa puwesto sina Defence Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio.

Itinuturo kasing dahilan ang bigong makakuha ng sapat na upuan ang partido ni Trump sa katatapos na US mid term elections.

Isa ring outgoing congressional Republican din ang nagbanta na kaniyang isusulong ang impeachment vote laban kay Hegseth.

Itinanggi naman ni Rubio ang pag-alis sa puwesto para umano paghandaan ang 2028 presidential elections.

Tinawag ng White House at US State Departments ang ulat na ito ay fake news.