Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang gagamitin ang lahat ng mga resources bilang bahagi ng pagbibigay seguridad sa nalalapit na 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits.
Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr.,na lahat ng pagbibigay ng seguridad ay kanilang ipapatupad para maging ligtas ang nasabing pagtitipon.
Magdedeklara din sila ng alert status kung kinakailangan.
Inaasahan kasi sa dadalo ang mga delegado mula sa ibang bansa kabilang na si US President Donald Trump para sa regional high-stakes meetings sa Meetings simula Nobyembre 16.
Sa ngayon ayon kay Nartatez ay mayroon lamang na low-level threat ang kanilang nakikita.
Natitiyak din nito na nakahanda ang kapulisan kasama ang ilang ahensiya para sa pagbibigay seguridad sa mga opisyal na dadalo sa pagtitipon.















