Nagdulot ng matinding dalamhati sa Gaza City ang pagguho ng naunang napinsalang gusali ng al-Saada kung saan hindi bababa sa 21 katao ang nasawi habang marami ang nasugatan at nawawala.
Kabilang sa mga nakaligtas ang 37-taong-gulang na si Hayat al-Ajlah na nawalan ng siyam na kapamilya kabilang ang kaniyang mga magulang matapos silang maipit sa ilalim ng mga nasirang pader at semento.
Ayon sa mga nakasaksi at residente sa paligid, matagal nang may mga lamat at pinsala ang naturang gusali dahil sa nagpapatuloy na digmaan ngunit napilitan pa ring tumira doon ang mga pamilya upang makatago mula sa mahirap na kalagayan sa mga tolda.
Patuloy ang pagsisikap ng Palestinian Civil Defence at ng mga kapitbahay na mailigtas ang iba pang trapped sa ilalim ng rubble gamit lamang ang mga simpleng kagamitan dahil sa matinding kakulangan sa mga modernong makinarya.
Samantala, nagtipon ang mga namatayan at naghihintay na pamilya sa al-Shifa Hospital habang patuloy ang panawagan ng mga residente para sa mas ligtas na tirahan at tulong sa gitna ng patuloy na krisis sa rehiyon.
















