-- Advertisements --

Muling nanawagan si United Nations chief Antonio Guterres sa Iran at US na tigilan na ang muling pagsiklab ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng mahabang pasensiya at diplomatic solution.

Magiging malala pa ang sitwasyon kung hahayaan na lamang ng dalawang bansa na sumiklab ang giyera.

Mararapat na muling maibalik ang navigational rights at kalayaan na naaayon sa international law sa paligid ng Strait of Hormuz.

Pinuri din nito ang Egypt dahil as patuloy na gumagawa ng paraan para tuluyang matigil ang kaguluhan.