-- Advertisements --
Sumulat ang Iran sa United Nations para humingi ng pagkondina sa ginawang naval blockade ng US.
Ayon kay Iran’s ambassador to the United Nations, Gholamhossein Darzi na ang ginawang pagharang ng US sa karagatang kanilang sakop ay isang malinaw na paglabag sa intenational law at UN charter.
Nais nitong kondinahin at ibasura ang anumang pananakot na ginagawa ng US laban sa Islamic Republic of Iran.
Mahalaga aniya na dapat utusan ng UN ang US na agad na itigil na ang kanilang military aggression laban sa Iran at tanggalin na ang maritime blockade.
Dapat na kilalanin din ng US ang kapangyarihan ng United Nations sa maling gawain nila.















