-- Advertisements --
Muling iginiit ni Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, na hindi sila tumitigil sa pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc para maprotektahan ang mga mangingisda.
Dagdag pa nila na kanilang agad na itinataboy ang mga namamataan na mga bangka ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Hindi rin ikinaila ni Trinidad na dumami ang bilang ng barko na China sa West Philippine Sea sa mga nagdaang buwan.
Tuloy-tuloy din ang kanilang panawagan sa publiko na huwag kagatin ang anumang naratibo ng China sa pag-angkin ng karagatan ng Pilipinas.
















