-- Advertisements --

Walang nakitang epekto ang Department of Migrant Workers (DMW) sa kaguluhan sa Gitnang Silangan kung ang pag-uusapan ay ang remittance ng mga overseas Filipino workers (OFWs) .

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, na mayroong mula 2.2% hanggang 2.3 percent ang pagtaas ng remittances.

Dagdag pa nito na kahit na bumaba ang terms of growth rates ay naging positibo naman ang resulta nito kung saan pumalo na ng halos P40 bilyon ang OFW remittances noong nakaraang taon.

Inaasahan din ng opisyal na maaring tumaas pa ang remittances lalo na at paparating na ang buwan ng Disyembre.