Inaasahang makakabalik na sa Pilipinas ang halos 299 na mga Pilipino mula Saudi Arabia sa huling bahagi ng buwan ng Oktubre, ayon sa Department of Migrant Workers.
Kinumpirma ng kagawaran na nakapagbook na sila ng mga flights mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 25.
Inaasahan na dadaan ang ruta ng flights ng mahigit isang daang Pilipino mula sa Hail, Al Qassim at Damman.
Ang 299 na Overseas Filipino Workers (OFW) na kabilang sa halos 400 OFW ay tinulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos makansela o maantala ang kanilang mga flight sa Riyadh International Airport sa Saudi Arabia.
Inaasikaso na rin ng DMW at ng OWAA, maging ng Al Khobar, kasama na ang Philippine Embassy sa Riyadh at ng Philippine Consulate General sa Jedah ang pagbabalik sa Pilipinas ng mga OFW.
Naantala ang mga flight ng mga OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, dahil sa mga pag-atake ng missile at drone na iniugnay sa grupong Houthi sa Yemen. Dahil dito, isinara pansamantala ang Riyadh International Airport at kinansela o sinuspinde ng ilang airline ang kanilang mga biyahe para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Naglaan din ang ahensya ng mga pagkain, pansamantalang tirahan, transportasyon, tulong pinansyal, maging ng medical at psychological services.
Ngayong Lunes, tinatayang 34 na OFW ang inaasahang darating sa Maynila habang 50 na higit pa hinihintay mula sa Saudi Arabia.















