Isinusulong ni Finance Secretary Frederick Go ang pagpapababa sa bayad sa remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) upang maging mas abot-kaya at malinaw ang pananalapi ng mga ito.
Nakipagpulong si Go sa mga kinatawan ng Swift at Revolut sa ginanap na 2026 International Monetary Fund-World Bank Annual Meetings sa Bangkok, Thailand upang talakayin ang mas mabilis at murang cross-border payments.
Layunin ng talakayan na palawakin ang access sa mga lehitimong money transfer channels upang mas malaking bahagi ng kita ng mga OFW ang maipadala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng kalihim na nagpapakasakit ang mga OFW sa bawat pisong kanilang ipinapadala kaya nararapat lamang na tulungan sila sa pamamagitan ng mas mababang transfer fees at makatarungang exchange rates.
Ang hakbang na ito ay tugon sa patuloy na alalahanin ng mga migrant workers ukol sa mataas na singil sa pagpapadala ng perang inaasahan ng kanilang pamilya para sa mga pang-araw-araw na gastusin.
Bagamat inihayag ang naturang pagpupulong sa Facebook post ng Department of Finance (DOF), wala pa silang inilalabas na tiyak na detalye, iskedyul ng pagpapatupad, o pormal na kasunduan sa dalawang kumpanya.














