-- Advertisements --

Binabantayan na ng Department of Energy (DOE) ang anumang impact ng El Niño sa lahat ng power grid sa buong bansa.

Ayon sa ahensiya, una na nitong inihanda ang lahat ng power facilities sa Luzon, Visayas, at Mindanao Grid, upang masigurong handa ang tatlong grid sa anumang magiging epekto ng weather phenomenon.

Kabilang sa mga paghahanda ay ang mga serye ng simulation upang pag-aralan ang pagnipis ng suplay ng kuryente pagpasok ng 2027 at maihanay ang mga maaaring tugon sa naturang problema, kung sakaling lalo pa itong lumala.

Hindi kasi inaalis ng DOE ang posibilidad na sa halip na yellow alert ay aakyat pa sa red alert ang status ng grid sa Luzon kung lumala ang epekto ng tagtuyot sa power sector.

Pinag-aaralan ng ahensiya na hindi aabot sa ganitong sitwasyon ang Luzon, o hindi magdulot ng malawakan at matagalang brownout sa mga kabahayan ang naturang sitwasyon.

Sa Mindanao Grid, bagaman mababa ang posibilidad na pag-akyat nito sa yellow alert, inaasahan pa rin na magkakaroon ng red alert status sa huling quarter ng 2027 – bagay na binabantayan ng PH government.

Sa tatlong grid, inaasang pinaka-apektado sa suplay ang Visayas.

Ayon sa DOE, sinusubaybayan na nito lalo pang pagnipis ng supply ng kuryente sa naturang grid, kasama ang planong pagkakaroon ng battery storage system at power barge sa unang quarter ng 2027 upang hindi na lumala pa ang pagnipis ng grid.