-- Advertisements --

Lumubo na sa halos kalahating milyong Pilipino ang mga natukoy na apektado sa very strong El Niño.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 459,356 indibidwal ang apektado sa tagtuyot na inaasahang magpapatuloy pa hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Ito ay katumbas ng 123,635 pamilya.

Batay pa sa datos ng NDRRMC, itinuturing na pinaka-apektadong rehiyon ang Cagayan Valley, dahil sa malawak na sakahang kasalukuyang dumaranas ng tagtuyot.

Sinusundan ito ng Region IV-A (Calabarzon), Region IV-B (Mimaropa), Region 5 (Bicol), Region VIII (Eastern Visayas), at Region XIII (Caraga).

Ang Cagayan Valley rin ang nakapagtala ng pinakamaraming biktima ng tagtuyot.

Ayon sa NDRRMC, regular na ang ginagawa nitong pagmonitor sa realtime report ng bawat Ofiice of Civil Defense field office upang matukoy ang mga akmang hakbang na gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa malawakang epekto ng naturang weather phenomenon.