-- Advertisements --

Binatikos ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Rafael Alunan ang kontrobersiyal na pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan at tinawag ang Chinese evoy na ‘impolite at belligerent’.

Ayon kay Alunan, kung hindi humingi ng public apology sa mga mamamayang Pilipino ang dayuhan opisyal, nararapat lamang na pangaralan siya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Good Manners and Right Conduct.

Maalalang una nang sinabi ni Pang. Marcos na posibleng ipatawag niya ang Chinese envoy, kasunod ng kaniyang pagbabanta.

Ayon kay Alunan, dapat ding kastiguhin ni Pang. Marcos si Jing dahil sa kaniyang mapanakot na pahayag, na kaniyang ginawa habang siya ay nasa PH territory.

Nararapat din aniyang palayasin na ang diplomat ‘on the spot’.

Inirekomenda rin ng dating kalihim ang tuluyan nang pag-recall sa PH ambassador sa China at i-downgrade na lamang ang relasyon ng dalawa na labis na niyuyurakan ng Chinese Communist Party.

Hindi rin nag-atubili ang dating kalihim na dapat nang ibasura ang one-China policy na matagal na panahong pinapanindigan ng PH government.

Aniya, ito ay salig sa prinsipyo ng ‘self-respect’, at sinumang pumapanig sa bully aniya ay nararapat lamang na matugunan nang walang pag-aatubili.