-- Advertisements --

Isinusulong ng Bureau of Customs (BOC) ang Accreditation at minimum na P2 milyong bond para sa mga forwarder at deconsolidator ng balikbayan boxes upang mapanagot ang mga kumpanyang hindi maayos na naghahatid ng mga padala.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, layunin nitong palakasin ang proteksiyon sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya.

Pinayuhan din niya ang mga OFW na gumamit ng lehitimong forwarders at dumulog sa mga help channel ng BOC.

Nakipagtulungan ang boc sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa pamamagitan ng kasunduang nilagdaan noong setyembre 8 upang palawakin ang information campaign at mapadali ang pagproseso ng mga reklamo.

Saklaw ng koordinasyon ang mga kasong may kinalaman sa nawawala, delayed, nasisira, pinakikialaman o hindi naihahatid na balikbayan boxes.